Friday, February 23, 2007

Pizza Hut madness

dahil last day ko na tong bum, kinulit ko sina mark, roma, at jonas na kumain sumwhere sosyal (na kaya namin lahat, pera is so rare na)

ang sumwhere sosyal?

Pizza Hut. nyahahahahaha. ewan nga kung pwede icount yan eh. gusto ni mark sa friday's (dahil friday?) pero moneeeeeyy... on the verge na nga kami pumunta sa jabi aka jollibee/mano po 65/chopsuey headuarters ang major set. buti na lang nauuyam na rin si nico dun kaya sa pizza hut na lang. haha

kasama nga pala namin si grace! haha ansaya..

dahil matagal mag intay, kwentuhan at picturan muna. pag naupload ko na sa pc ko upload ko dito sa multiply. maganda ung lighting sa pizza hut.. ang gaganda ng mga pics. hehhe.

tas kain na... pizza galore, spaghetti (or wtever its called, iba tawag eh), lasagna, garlic toast... ung mocha coffee ni mark na hiningian ko lang.. pepsi at iced tea na hiningian ko lang din sina jonas, at ung mushroom soup ko with sumting pastry.. na sinawsawan naman ng madla. haha, grabe sa d kmi sosyal... grabeeeehh.

sabin ga ni mark d naman taga bundok... taga tabi naman. nasa paanan naman kmi nooohhh... haha.

pero ewan, kung msaya namn ang mga ksama bat pa kelangan magsosi. masaya nga kasi parang we own the place. at nasa gitna kami ng mga tables at daanan. talagang mapapansin. pero sobrang natuwa ako talagaaa..andaming napagchismisan at napagkwentuhan. lalo na ang mga tooot. hahaha.

ang ending?

ayun, napaso dila ko sa soup, naharass ung flower sa table (dahil sa kakagalaw at kakagmit as props for pics), natabi at nahulog at nabasag ang baso ni mark, kung kaya't nabasa sya (hanggang brief daw), natabi at tumapon ang inumin ni roma, kung kaya't lalong nabasa ung table namin (kung saan tumaas na ung kilay nung waitress na naglilinis nung basong basag ni mark sa floor), kung kaya't "keep the change" na lang si mark sa buo na pera nya na binayad (kay mark kmi nagbayad lahat lahat eh)

nga pala, kmi lang ata ung customers dun na gumagamit ng calculator para malaman ang expenses. haha, ung iba credit card o buo na mga pera, kmi ambag ambag. so fun. haha, d nga, masaya talagaaaaa. nagsaya akoooo!!!

hahaha, kain kain!! ay wait, may duty na ako eh, aawww.. T-T

No comments: