Sunday, November 05, 2006

YES, NAGPOST NA KO ULI!

okay, dahil sa sobrang tagal ko nang d nagpost.... magpopost na ko uli. nyak. ahaha. wii..

baka isipin ng mga tao puro

laro (masaya ang ff12! pero medyo mabagal pacing.. wenks. valkyrie profile super astig... at okami masaya. haha. at gaya ng gawain ko, sabay sabay ko sila nilalaro... papalit palit ba. so ung valkyrie profile at okami sabay kong natapos... ff12 hinuli ko kasi.. boring. pero sumaya na sya uli. inulit ko sya dahil may eklat pala para makuha ang strongest weapon.. dapat may d buksan na mga treasure chests. epaal..),

tulog (ahhh, namiss ko ang super luxury na to. pakshet na pag gawa ng teaching materials, pag aaral, gawa ng meal plan, pag-aaral ng patho, gawa ng report, pag aaral ng patho, gawa ng nursecissism performance, tsaka pag aaral sa patho. hay, sabi pa nila mas mahirap daw ang 2nd year 2nd sem, isa pa nga daw sa pinakamahirap sa course na nursing. HAAAAYY!!! KAYA KO TO MEEEHHHNNN. or rather, KAKAYANIN KO TO MEHHHNN!! kelangan...)

at kain (may binibili tatay ko, parag kakanin tas may leche flan sa top nya. ewan, alam kong weird pero masarap syaaa.. haha. tas may variation pa, ube.. na may topping na leche flan. san ka pa... mas gusto ko ung kakanikn kasi sobrang tamis ung ube-flan combination at ayoko sya.. ahaha. at syempre laging masaya ang mga ulam kasi andito ang tatay ko na laging nag eexperiment sa pagkain.. minsan pangit lasa pero kadalasan masarap naman (ung instant pancit canton plus hotdog plus tuna ansarap. haha, simple pero masarap. oti.) tas minsan ako nagluluto.. ang specialty ko lang yung tuna omelette ek2. haha! tas ung isang beses na pinaluto ako ng kanin (with matching: "huh? bat ako?") d naluto ung sinaing. as in. kalahati lang ata. ang problema? masyadong maraming kanin ("kalahati lang dapat!") or.. masyadong konting tubig ("dapat lagpas dito sa linya ng daliri mo")

eh sabing "huh? bakit ako?" nga eh...)

pero inde, lumalabas din ako ng bahay no!

ewan ko ba, pero ngayong sembreak naadik pamilya namin sa paglabas at pagkain sa mga restaurant or fast food na kung anu anu (SHET ANTABA KO NA TALAGAAAAAA!!!!). pero syempre mall mall lang. sm valenzuela, sm north, ung kfc katabi ng quiapo church, ung tindahan ng siomai sa basement ng grand central (saraaaappp...) mall of asia.. (anhilig sa sm..)

wii.. tas mga church. Quiapo church, Baclaran church, Holy Cross (ang aming suking church).. waha, banal.

------------------

ulitin ko lang.

WII MAY DRIVER'S LICENSE NA KOOOO..!!!

ngunit wala pa ring carrrrrrrr...

wenks.

------------------

hm... plano kong pumunta sa diliman ngayong tuesday. ewan, as always, wala nanaman akong goal. kung wala akong makitang batchmate, ok lang sakin. tutal ang sm north ay isang sakay na lang...

yeah, plano ko i-indulge ang sarili ko bago ang pasukan! dapat lang, anhirap ng ginagawa naming mga student nurse eveeerrr... all with a constant smile on each face and a ready ear for our patient's stories. ang chuva pero yan ang buhay namin na.. wahaaay..

AT HARDCORE NA NEXT SEM!! mga gawain ng nurse part 1 na kami! haha, sana maging masaya to. hahaha.

-------------------

ayoko pa pumasok!

pero excited ako mag enrol!

haaayyy...

-------------------

kamusta kaya ung mga nagremovals...

waah, sabi nila may mga nadelay na daw samin... hay. sabi ko pa naman ang tatag ng batch namin dahil wala pa so far nadelay (after nung labas ng n4 results yan)

hmm....

-------------------

wala na akong masabi. hay.

ay may masayang quote sa Romeo and Juliet. at oo, dahil la ko magawa, binasa ko uli sya. haha. medyo pahapyaw nga lang.

ahem, from Friar Lawrence:

"....violent delights have violent ends."

ang tinutukoy dyan ay passion.

WAHHHAAAAAY, may naalala tuloy ako.

isa lang ba ako sa mga.. uh.. passion-ers mo???

WAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!! kung madali lang kasi kalimutan eh d ansaya sana..

UNFORGIVABLE. beh.

---------------

nyt nyt! wii, 9 hour sleep bliss....

No comments: