Sunday, October 01, 2006

BUHAY NA AKOOOO

ayan, buhay na uli ako.

at dahil dyan, magkakaroon ng super habang entry. wiii!!

-----------------

una:

hm.. natapos tayo kay mam maglaya. kay mam cajucom naman!

kmi ang malas na Grup G (GG.. ooh. anlansa namin) dahil kmi ung nabigyan ng combo meal (na tawag nga ni mark ay Lauriat). Combo: Mam Maglaya/Mam Cajucom special. san ka paaaa...

pero kahit ganun.. ewan. nababaitan ako kay mam cajucom. cute nga eh. haha. anlaki ng mata ni mam tas ang haba ng pilikmata.. parang anime. nyahaha, joke lang mam..

sabi nga bigla ni jonas: "Bat laging natutuwa ka sa mga prof na toxic?" (ini-imply nya si mam mejico at mam cajucom) na ang sagot ko naman ay "...huh?"

anywaaaay.. ung pasyente ko.. laging puyat dahil sa sakit nya. soo.. wala akong rapport. as in, nurse-client trusting relationship. how fun... buti na lang nung health teaching medyo lively sya at nakipagchismisan pa sakin about sa leakage. hehehe.

wiiiii.... sana matapos na to! naurong nanaman ung sked namin at baka sa wednesday pa kmi matapos. haay...

-------------

nga pala, dahil walang ilaw, may naisip akong bigla: magsulat sa notebook. about stuff. notebook un dati nung client ko, dun ko pinasulat ung food diary nya. eh ngayon wala syang use, soo.. tsaran! scratch notebook na sya. pinansusulat ko ung mechanical pencil ko. bakit? dahil gusto ko ubusin ung lead. bakit? dahil may isang pakete ako ng lead. Tapos? WALA LANG, BAKIT BA ANG KULIT MOO..

so, simula tayo sa umpisa. first note!

-------------

namatay ung kapitbahay, si mrs. Tan (may she rest in peace). ambilis daw, 1 week lang simula ng magka lung problem sya. may diabetes kasi sya, at sabi nga sa patho book, nakaka aggravate sya and all. pero d ako nakapunta sa lamay at libing, may skul pa kasi. mamimiss ko ung dalaw nila sa bahay (nagpapacheck up sya sa nanay ko kasi. sa mga d alam, nurse/clinical instructor nanay ko)

God bless her soul.

-------------

Milenyo.

shet sya.

Sept 27. nung wednesday, heto ako at iniisip na nagkamali nanaman ang pagasa at sure na may pasok kinabukasan. wala kayang kaulan ulan! well, may ambon nung hapon, pero lagi naman pag gabi, so it's nothing new. ay nako. ayusin ko na lang gamit ko para bukas..

Sept. 28. Aba, confirmed na walang bagyo. hm. eh wala namang ulan.. okkaaaaayy.. ang weird talaga ng pag asa.

mga 10 o 11 ng umaga: ....aba anlakas ng hangin. ung puno ng mangga sa labas natatangay..
...
...

IT'S A MIRAKOL! NAGKAKATOTOO ANG HULA NG PAGASA??!!

pero shet un talaga. ung puno ng mangga parang ililipad na. eh ung balcony ng kwarto ko may mga halaman. eh d eto ako at tinatry sila isave from destruction (ung iba nakapatong lang sa ledge, malay mo tumama pa sa ulo ng kung sino)

eto pa, ung kwarto ko na nasa 2nd floor.. binabaha. ng tubig at dahon. so kulay green ung tubig. sa sobrang lakas ng hangin, ung konting ambon (buti talaga ambon at hindi full fledged ulan yun) napupunta sa pinto ko with all the leaves na natangay ng hangin. eto aman ako at naglalagay ng mga basahan sa baba ng pinto. in 1 hour, basang basa na sya, so kuha uli bago. d ko na pinalitan after. d naman pumapasok ung tubig kahit saturated na ung basahan. nagiging parang barrier nga sya eh, so walang pumapasok na tubig sa kwarto. Cool.

ung yero ng kwarto sa taas lumipad. ayun, naayos din. buti nakatali ung yero at nalipad at tumama sa isang unfortunate soul..

aaaaaaaaaatt syempre.

walang ilaw.

anong pwedeng gawin?

"Nag-panhik panaog ako dito sa bahay at sa dala ng matinding boredom, naisip kong mag-aral. Kumusta naman? Iba talaga ang epekto ng walang magawa. Akalain mo yun? Ginusto kong mag-aral??" - blog ni coy. iba nga talaga nagagawa ng walang ilaw. ahaha

nag aral ako.

IT'S A MIRAKOL!!!!

at natapos ko ung histo at kalahati ng patho book, umpisa ng parasitology. pwede na akong gawing saint. wii...

--------------------

dahil walang ilaw, nakapag usap usap kming pinsan sa candle lit lunch namin. masaya sya actually, kasi minsan ko lang sila matsambahan na andun lahat sa table, iba iba kasi ung timezones namin.

Si Kuya Marvin na laging makulit at tinatakot (dahil madilim) si
Irish na nangongroblema kung paano magpapaalam sa strict parents (tita at uncle ko) nya about her outing
At Maya na pumasok kahit may bagyo ("Service for the people in the midst of disaster.. tsarot. haha" - ate maya) na pinauwi rin.
Ate Badet. na may sumpong. better not kulit her muna..
tas ako. na tahimik (tahimik ako sa bahay! ...OO KAYA!!!) lahat kmi nag iisip ng mga paraan kung paano mapapapayag sina auntie sa outing ni irish. at mahirap sya talaga, overprotective kasi. ung nanay ko (na older sister ng auntie ko) pwedeng mag intervene pero syempre ampangit nung labas nun. kami rin kung kinulit namin sila. soo...

"Magpaalam ka na lang irish. tas pag d ka pinayagan sabihin mo: 'ah.. okay po.. (down voice)' maguiguilty ung mga yun!"

tsarot.

----------------------

Pag uwi sa bahay.

dahil wala pa rin pasok nung friday.. uwi ako sa bahay.

at eto naman si baliw, dahil walang lrt/mrt, inisip: hmm.. try ko magbus! eto tuloy tuloy sa monumento.. ata. try natin..!!

tsaran. nagbayad ako para pumunta ng letre kahit na monumento lang ako (nakakahiya naman kasi sabihing monumento tas d pala dadaan) 45 pesos. ung sunod na nagbayad sabi: "dadaan ba tong sm north?" sagot: "oo" at nagbayad ng 32 pesos.

sa loob loob ko.. sm north muna ako! bahala na ung 13 pesos. wiii...

aba, sa sobrang dami ng billboards na bumagsak, ung edsa sobrang trapik!! 3 hours ako sa bus.. na walang batt ang phone at walang magawa kundi magnotes sa scratch notebook. kornii...

at dumaan ang first temptation.

"Kasuy! kasuy kayo dyan!!"

sheet.. pero baka madumi, open lang ung container eh.. pero.. pero.. cge bibili ako!

pero nakababa na yung nagbebenta ng kasuy.

sunod, ang nagbebenta ng

"tubig! tubig kayo dyan! (nakita ni dremon ang nagaraya na binibenta nya ren)

waah gusto ko ng nagaraya.. pero.. nakakahiya tawagin ung tindero.. pero..

at nakababa na ung tindero.

huling temptation:

"Mani! mainit pa! may 5, may 10! bibili kayo dyan!"

....waaah gusto ko ng mani! pero.. parasitology lectures! mukhang madumi.. at open.. at..

nakababa na ang tindero.

sheeeeeeeeeeeeeeeetttttt. mag e-sm north na ako talaga! wala akong nabili. hay.

samantala... may slight commotion sa bus. ang dahilan?

babaeng nagbayad ng 1000 pesos. at ang fare nya ay 12 pesos lang.

WADAHELL, sinong nagbabayad ng 1000 sa bus? at sa sobrang lapit lang na place?? hellloooo...

----------------------------


sa bahay...

tsaran. walang ilaw.

ok lang, aral na lang muna...

(hintay hintay..)

bored na ko.. hm. (patingin sa mini library ng bahay)

after 1 hour, ang patho book ay nasa tabing corner na lang. si dremon? nagbabasa ng novels. at short stories. at fact books.

ui kahit papano natuwa ako sa kababasa.. ahaha.. at andami kong nabasang nagpaalala sakin kung bakit gustong gusto ko magbasa ng mga libro.

except siguro mga patho book.

--------

ok, sunday na wala pa rin ilaw sa valenzuela.

MADAYA!! BAT YUNG MGA QUEZON CITY AT MAKATI MERON NA!!!!!!! LAGING NAHUHULI ANG VALENZUELA! BAKIT GANUN? BAKEEET? SIGE, PAG GANYAN KAYO, WALA NA KAYONG MAKUKUHANG MGA CANDY AT SOFTDRINKS NA GAWA DITO! BEH!

(maraming factory sa valenzuela...)

buti na lang dito sa pasay meron. hay.

-------------

ay ewan, marami pa akong notes dito, pero ang haba na ata nito.. sa sunod na lang uli. wii...

note:
gusto ko ung headline ng isang newspaper, it summed up all the things that were happening from thursday up to now:

"Luzon, taob!"

No comments: