wii.. last test kanina sa histo. at sana pumasa ako dun. Ahaha. Pero siguro naman…
kelangan ko lang pumasa dun para ma exempt. eh problema, kanina sa mga tanong medyo nablanko ako. haha. napag aralan ko ung tanong.. pero yung sagot di ko na maalala. peste. pero more than half naman nasagutan ko kaya ok na un ata. haha.
ung kabilang history calss ata nagkakaproblema dun sa teacher nila... well, astig si sir esguerra kahit toxic (pero masaya) ung mga exam. hehe. sa friday baka magkaroon ng raffle, at ang mananalo... magkakaroon ng painting na si sir esguerra mismo ang gumawa! san ka paa.. tas magdadala rin daw sya ng calligraphy brush, un ung parang gagamitin nya para sa farewell message nya kay ate jill (sana gumawa rin sya para samin. haha. wiiii..!!)
i like histo. pero ung para, biochem, patho at micro.. arrggg. Ewan ko na lang
pag may namamatay, sino ba talaga ang tunay na nasasaktan? yung taong namatay? o ikaw na kanyang naiwan? - valkyrie profile quote, tagalog version.
Tungkol kasi sa isang valkyrie ung laro. At valkyries.. collect souls of those who died (in a battle sa norse mythology. Ay nako, magnasa kayo ng norse mythology, un ung pinakafavorite kind of mythology ko.)
At syempre, dahil dun, maraming mga insights tungkol sa death and the life beyond.. as well as the life that was left behind. Sa mga taong mababaw ang tingin sa mga laro, may mga rpg na may kwenta ang storya at karamihan naman may bago kang malalaman about something. Think of it as a interactive story/novel. Parang ganun. Hindi lang puro dota at counter ang mga kinds ng laro (pero masaya rin sila laruin kahit ganun. Haha), meron din ung mapapaisip ka talaga (xenogears, ffx, shadow hearts.. suikoden, fatal frame. Haha, madami. Ps at ps2)
Anyway, nabrought up kasi kanina yan sa post exam talk kay sir esguerra. Sabi nya
“Wakes are not made for the dead. They are really intended for those who still live and are left behind”
wala lang.. alam ko at narinig ko yan dati. Bakit ka ba umiiyak pag may namatay? Hindi ka naman umiiyak para sa namatay eh.. umiiyak ka para sa sarili mo, dahil naiwan ka. Maaalala mo ung mga memories nung kasama mo pa yung namatay, at iiyak ka dahil alam mong wala na sya para samahan ka. Hindi ba parang selfish? Iiyak ka dahil hindi ka na ever sasamahan nung tao na yun.. at siguro dahil na rin may reminder sayo na pati ikaw ay mamatay din baling araw.
Iniiyakan mo sarili mo. You pity yourself. hindi sya… sabi nga ni sir (tinutukoy nya ung nanay nya) “she was free at last… dahil nung may sakit pa sya, 3 taon (tama ba? o 3 months?) syang nandun lang sa kama…”
-------------------
haaay.. test nanaman. pero palagi naman. hay nako. hay nako.
...
KELAN AKO MAKAKALARO NG VALKYRIE PROFILE 2 NYAN??? TSAKA NG OKAMI?? KELANN???
(parehong ps2 yan, sori na sa mga d makarelate.. si jonas lan naman kasi yung may alam ng mga yan. well, si kuya doki rin. tsaka si... eeew.)
hay...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment