Tuesday, January 16, 2007

Kain Kain

in fairness, masarap din pala ang happy house donuts

*munch munch*

kakaumay nga lang kung tatlong donut na lahat may chocolate flavor sumting (ung tinapay mismo, ung topping..)

*nguya nguya*

tapos ung inumin mo MILO. sa gabi. 10 45. ang ewan, kaya tumataba eh...

umaaaaaaayyy....

------

bakit may tatlong donut si dremon ngayon?

flashback....

kanina sa sakayan ng jeep, nagkulang ako ng piso sa pamasahe. yup, piso. eh tumataginting na tatlong P500 bill ang nasa wallet ko. at ayaw tanggapin ni manong tagabenta ng ticket sa jeep ung bayad ko dahil la daw sya panukli.

eh d naisip ko "sige bili na lang ako ng DVD..." kasi un naman talaga gusto ko bilhin ngayon. ayun hanap hanap, napaisip pa ko kung bibili ako ng tsinelas.. dahil gusto ko ng tsinelas.

pero yun la rin ako nabili.. kasi wala akong magustuhan na tsinelas. tsaka answapang nung manong tagabenta nung dvd.

pero grabe ung mga dvd/vcd na porn. ewan ko ba. talagang andun sila. tas syempre may mga bumibili.. na d ko naman mapigilan ang sarili ko na tignan ung mukha/porma nila. ewan. mukhanng normal.. meron din mukhang adik. asheshe...

so ayun, bumili na lang ako ng donut na tatlo. na triny pa ko kulitin ni manang tindera na "6 na lang, 57 pesos lang!"

eh 9.50 isang donut. so kung kwekwentahin.. ganun din. walang bawas. si manang talaga... siguro free box, tas yun na. hay na

yey may barya na ko. bayad bayad...

-----

nakakainis na nakakatuwa si ken. haha. take note na ang nakakainis na term ko ay equivalent sa "ano ba naman, ken.."

parang kanina, ung social circles nanaman.. na nagkaroon daw ng entrance ung circle, pero dahil sa.. sumting, nagclose uli.

ay nako... anhirap talaga umasa gumawa ng bagong connection minsan. haha. buti pa ang closed network. at least lam mong masesend ung signal. at makukuha mo rin pabalik.

note: ung part na to ng entry ay hindi ine-expect maintindihan ng taong madla. dahil ang blog ko ay first and foremost para sa future ako, dahil binabasa ko ang mga archives ko.. ewan ko kung bakit kelangan ko pa i explain to, pero may mga tao kasi na gusto pa kulitin kung anu daw ganun ganyan ung asa entry.. so kung magsasabi ako ng "..huh? wag na..." sowi na laaanngg..

-------

san ba kasi nakakabili ng tunay na kaibigan? na pwede rin tumuloy sa.. toot. haha. true love? yak anlandi.

-------

Someday, someone's gonna love me, the way i wanted you to need me!

lss na bitter. kahit d ako bitter. meeehhnn...

-------





sana talaga d tayo nagkita.

sana d kita kinulit. (ibang tao)

sana d ako gaya-sa-uso pagdating sa.. hm.

at sana, sana talaga...

d masira ngipin ko sa pagkain ng tatlong donut ng gabi...

No comments: