Saturday, January 13, 2007

Pyro Olympics (Bye ward 15)

Last day na namin sa ward 15 kahapon. haha, parang kelan lang kmi nagsimula... pero ngayon, 2 week break kmi!! wooooo!! ansayaaaaaahh... may 1 week for super duper ever detox, tas 1 week na may time para mag aral. this is so cool..

nga pala, iba talaga ung feeling kapag ung pasyente mo, after mong mag health teaching, nagasasabi ng "salamat ah.." tapos ang ever nakakamelt na "salamat talaga, malaking tulong din ito. salamat.."

waaaaaaaaaaaaahh.

tapos iba talaga ang mga tagaprobinsya, all out tagalog. as in tagalog na malalim. nakaka ilang tuloy magsalita ng taglish kasi alam mong di kapantay sa ka astigan (naaastigan ako dun sa tono at kalaliman nya) ung sinasabi mo.

nakakatuwa rin na after nung heat lamp/perineal heat care sinabi nung pasyente ko kahapon na "..tapos na? ansarap pala nito. hahaha" la lang, kasi para masabing may sense ung ginagawa namin d ba. haha.

iba iba rin ung mga tao sa pgh.. meron dun sa ward.. rape victim. kaya ayaw nya hawakan ung bata, alagaan. meron din, ang gusto babae, tapos lalaki ung lumabas (1st time mother) tapos tingin nga namin may mali way ng pag-isip nya eh, kasi triny daw pala nya i abort nung mga 7? 8? months nung nalaman nya na lalaki. normal sa ibang nanay na medyo magfeel ng medyo paghinayang dahil hindi nya nakuha ung gusto nya o ini-imagine na baby (masyadong maitim, ibang sex, payat.. etc.) pero mawawala din dapat yan after sumtym, tas i-aaccept na. kasi kung inde.. unhealthy relationship. hmm...

chenywei...

nanood kmi ng Pyro olympics!! haha, masaya sya!! kmi nina mike, lynj, coy, adel ung nanggaling sa upmanila, pumunta kina mike, nag iwan ng mga gamit, tas nilakad ang 3/4 ng daan(oo, nilakad) papunta sa.. sumwhere. basta sumwhere, tas parang picnic style, latag ng mga dyaryo, malong, tela, carpet(?). haha. ansaya!!! parang pamilya, kain here, kain there. ulam namin litson manok. tas mga chichirya, gaya ng chicharon, hapi house, nova, pringles, ensaymadang puno ng cheese.. andami kasi naming nabili sa harrison, nag grocery kasi. haha.

tapos nakakuha pa kong free bubblegum kasi may hindi nagpihit ng maayos sa vending machine ng bubble gum. so nung pinihit tas may lumabas.. akin na. haha.

anyway, ang ganda nung mga paputok. pero mas gusto ko ung sa canada. parang may bulaklak, mga pa-bowl (oo, parang 3D na bowl), mga parang buoquet, mga may after sparks (mawawala.. tas after sum seconds, sparkle sparkle), mga nagmumultiply (parang.. SPARKLE.. after sum seconds, maghahati sa dalawa: Sparkle Sparkle), mga mag iiba ng kulay after sumtym, ung isa binansagan namin na Ube-Mangga. kasi viloet/purple, tas magiging green. meron ding Ube-Mangga, hinog version (yellow sya), meron din ung parang ung nabibili sa bangketa na mga umiilaw na parang mga hibla.. gets nyo ba? ung parang mga plastic na thread thick, tas nag iiba ng mga kulay kulay (via sa pag iba ng mga kulay ng ilaw sa baba nya) basta ganun talaga, parang ganun kasi pahaba. meron din ung star shape ung sparks, parang ung mga mismong stars sa sky ang nahuhulog. tapos may mga low level paputok, ung d sila aabot sa sky, ilang feet lang. kaya nung mga finale na tas talagang lahat tuloy tuloy na paputok, isa sa sky, isa malapit sa horizon, sobrang gandaaaa...

ang ever favorite ko: ung mga puting paputok na parang umuulan.. pag ung puti, talagang magba-bright ung buong sky, liwanag talaga. tas un nga, parang ulan.. antagal nila mawala, tas syempre, by gravity, bababa sya.. tas ang ganda, parang ulan ng stars. napakaromantic sana, kung d lang mausok (syempre romance ung inisip ko)

si mars at tabs nga pala humabol na lang. si mars dumating mga bago nagstart ung paputok. si tabs medyo nangroblema kasi.. anlaki ng venue, so d namin alam kung san sya mismo nung sinabi nyang andun na sya. so un.. after pa nung natapos na saka lang namin sya nakita, pero napanood namaN nya ung huli so un.

anu pa ba...

overnyt overnyt, tas nood ng eragon. eh medyo boring, so hanap kmi ibang pwede panuorin, tas after mga 30 minutes, nakapagdecide na: Eragon. na kanina pa nasa tv. wala na kasing ibang gusto panuorin eh...

ok lang naman.. medyo exciting. pero ewan, d ko feel ung mga gumanap. hindi maganda ung babae.. tas si sephira (ung dragon)... uh.. pangit sya tignan. na paulit ulit rineremind ni adel (everytime na lumalabas si sephira, sasabihinni adel: "ang panget!!")

tas syempre lamon pa rin nung mga tira tira. haha.

tulog tulog tulog. tas pagkagising lamon uli tas nood jack tv (medyo maganda pala ung hollow men. may bago na kong aabangan. hehe)

"no, we just sell shoes." <--ang ganda nung skit na to.. ewan kung pano ko sa inyo irerelate. well, watever.

hm.. ayun lang naman... haha, dagdagan ko na lang to pag nakaalala pa ko.

No comments: