Wednesday, January 10, 2007

Ward 15 and the N5 exam part II: Anesthesia Made Painful

simula pala start ng taon wala tong laman na bago. haha.

well, ung pictures nung outing andun na sa photo section ng multiply, so kung gusto makakita ng mga bangag (pero cute pa ren) na mga tao, tingin lang dun. haha

anyway..

start na naman ng duty namin! actually last week pa, first day of classes duty agad. so syempre ung first day bangag. haha, buti na lang observe observe lang, na eventually naging chismisan at tayuan at "ay-nakakahiya-nakaharang-na-tayo-sa-daan-lipat-na-tayo-blah-blah-blah-blah-talaga?-waw-blah-blah-buti-na-lang-absent-si-jaypee" for 4 hours. hay.

ward 15. postpartum ward (normal) pero minsan may mga nasasama rin na mga special cases gaya ng ceasarian birth ek2.

unang ginagawa araw araw ay magpaligo ng baby. syempre kmi dun. kadalasan wala pang isang araw ang bata dito sa mundo natin nahawakan at napaliguan na namin. haha.

tapos tanungin kung naligo na si nanay, kung indi, kulitin na maligo. tapos check kung nakain lahat ng pagkain, kung hindi, kulitin uli si mommy.

tapos bigay medications, check sa medcard, check kung nainom, kung hindi ipaiinom, tapos check kung nalulon.

tapos health teaching. syempre turuan ung nanay na magbreastfeed sana, tapos cordcare, tapos perineal wound care (episiotomy care ek2) tapos syempre kain sya masustansyang pagkain, burping ng baby.. chuva. hehe. kunin din vital signs (temp, bp, pulse, respirations)

tapos charting, sulat sulat sa tpr sheet, sulat sa med sheet, gawa ng sample soapie, pacheck kay mam, kung approved, go go go!! sulat na sa progress notes/nurse's notes.

aun. yan ginagawa sa ward 15. tapos may mother's class na by pair kung saan parang gagawing classroom ung ward. tas syempre, health teaching pa ren.

aun.

N5 namaaaaaaaaaaaaaaann!!!!

second exam kanina! at sobrang parang pathophysiology ang paghahanda sa exam na un. hay naku. anhiraaaaaaaaaappp..

para kming doctor sa ginagawa nila.

random terms follows:

cholinergic
acetylcholine
halothane
cholinesterase
alpha 1 receptors
beta 2 blockers
ether
ester
cocaine
procaine
seizures
i.v.
inhalation
nerve blockers
field blockers
symphathetic
parasymphathetic
ascorbic acid
succinylcholine
dysgeasia
dysphagia
hypertension
bronchodilation
folate
thiopentol
b12
b6
b1, b2, b3
vitamin k
long preganglionic fibers
short postganglionic fibers
analgesia
hypocampus
amnesia
balanced anesthesia
ketamine
disinhibition - shet mali ako dito..
reverse, enhance
surgical anesthesia
medullary depression

at marami pang iba.

buti sana kung na eenhance ung utak ko. haaaaaaaaaaaayyy.

eyebags. well, at least smiling face pa rin ako. with eyebags. tas isang maliit na pimple sa ilong.

No comments: