ang sumusunod na entry ay kinopya ko lang sa blog ni coy, dahil ganun din naman ung mga gusto ko sabihin, at sobrang tamad na ko magtype dahil sa antok (ewan at ganito epekto sakin ng mga debut, 3 days recovering time) babaguhin ko na lang konti pero ung framework no coy gagamitin ko. wii...
Debut ni Kat nung sabado!!! Grabe, ang saya nung debut niya...(SUPER RICHH!!!) unang beses ko kasi makita nakabihis ng todo yung mga kaklase ko sa nursing... Astig, ang gaganda't ang guguwapo ng mga nilalang (WITH EMPHASIS SA ANG GAGANDA! akalain mong may beyonce kmi sa batch. meron pang dona at mga artista. cool!!). Ang saya saya saya saya talagaaaaaaaaa....
Ginanap yun sa Centennial Hall ng Manila Hotel(oh d ba, place pa lang.. wakeke) wii ang ganda ganda talaga dun. pero ung mga inumin na nabibili sa lobby (na may uber chandeliers at live music/piano).. GRABE!!! 125 pesos ang TADADAN! MINERAL WATER! 125 din ang coffee at beer. grabe ha.. grabe. sabi nga ni jayjay "kaya walang pumupuntang dayuhan sa pilipinas eh. ang mahal ng tubig.."
Six o'clock yung nakalagay sa invitation pero 7 na kami dumating. sumabay ako kina mike at adel, na sobrang vain din. hehe.kaya antagal namin magbihis. buti a lang pagdating namin d pa nagstastart.. hehe. pero andami nang andun..
Ang ganda nung venue... parang garden(fairy tale nga eh, un ata ung theme), at meron pang kumikinang-kinang na stars. At ciempre, ang ganda ni Kat... mukha ciang prinsesa... tas lumabas sya sa ..tadan! isang story book. dambuhalang story book. hehe. engrande kaya.. may mga tela tela pa sa ceiling.. tas mga spotlights at iba't ibang ilaw. wii..
at nasabi ko na bang maraming pagkain? SHEEET! FOOD HEAVEN DUN!! lahat ng ulam may mga pangalan pa sa baba (ung iba sobrang complicated ng names) tas andami! may mga cordon bleu, mga roast beef, salads(oo, SALADS. may 5 klase ata o 7 na salads and andun!!), hams, chicken na parang ham ang slice, pasta, salmon, lapu lapu.. sheeeeett.. at maniwala kayo o sa hindi, first plato ko pa lang (na napuno ko ng todo dahil gusto ko itry sana lahat) nabusog na ko at d ko pa naubos. SAN KA PAAA??
Lahat ng desserts na meron dun, tinikman ko! Ay hindi lang pala tikim... inubos ko pala lahat ng servings na kinuha ko. (pwera na lang yung weird na green na cream tas may cherry syrup at whipped cream. ang weird ng lasa eh.. hehe) may blackforest (oo, nasa buffet table ang black forest na cake), may mocha cake, mango crepes (ANSARAP NITO!!), may parang fruit cake, mga fresh fruits (pili ka: papaya, melon, watermelon, orange, pears, pineapple.. tas ay nakasulat sa baba: fruits, all in season. SAN KA PAAA.. ang sarap ah)
Hehe ang saya saya. At matapos ang ceremonies, sayawan na. Todo sayawan na. WII!!
Kami yung nanguna sa dance floor... at kami rin yung huling umalis (yata). Akalain mo yun? nakipagsayaw pa kmi sa mga san beda frends ni kat, pati rin sa mga upmanila pang iba na d namin kilala pati mga relatives ni kat. hehe. ansaya saya.
Ang bibo kasi ng mga tao (including me), at game na game lahat kaya sobrang enjoy talaga yung sayawan. Si Jill nga parang hindi nakatakong kung humataw! (at hinubad nya lang nung mga hulihan na! hehe! GRABE SAYAW NI JILL! bibbo kid! haha) Ang galing naman kasi talaga niyang sumayaw.
ayun.. tas uwian na. shet, sa bahay ni mike, sobrang bata si adel. haha! akalain mong nagtantrums nung inaayawan namin sya ni mike? hehe. bata talaga. haha.
---------------
nung linngo, shop galore ako. dahil wala pa kong susuotin sa monday, ung kanina, na uniform ek2. so bili ako ng 2 black pants, 3 black socks, 3 undershirt, 6 na panyo at kung ano ano pa. dumaan din ako sa sastre ko, kung saan nawala pa ako (nanaman) at bumili ng 13 1/2 yard na tela para sa uniform ko. haha. tas yun.. umuwi at nagpagupit. wi..
-------
SI JANTOI NAGPAGUPIT NA!! ISA TONG SUPER DUPER EVENT!!!! wiii..
at syempre ayaw magpapicture ni jantoi. awww..
----------
kanina ung orientation! hehe. tas naka uniform kmi. ayun.. masaya naman dahil 1st time magsuot ng uniform na community. hehe. iba ang feeling sa hs uniform.. basta. haha.
epal ung security sa lrt, ang haba haba haba haba ng pila! kasi naman, chinecheck lahat ng laman ng bag. ung mga blade ng cutter, inaalis at linalagay sa isang sulok, mga gunting bye bye, mga weird looking gadgets (siguro mga eng students un) talaga todo kalikot, tas pati ung pabango, isespray sa rails tas aamuyin kung toxic o hinde! shet. pano nga naman uunlad ung pila ko d ba. hay..
dun sa mismong orientation naman, pinagalitan kmi sa mga bagay na d naman namin ginawa. ung mga nagawa higher years dati, parang sinasabi at iniimply na gagawin uli namin. ANO BA SILA PAGALITAN NYO WAG KMIIII!!
haaaaay.
...
ah basta. tulog na muna. zzz...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment