Tuesday, July 18, 2006

Update

ayaaan, sa wakas natapos na ung mga pinaka aabangan at mga "important" events na medyo nagmarka sa buhay ko.. haha! ngek..

una.

nung monday ang discussion about relaxation, exercise tsaka proper sleeping at comfort promotion. dun sa relaxation, may exercise part.

anong ginawa ni prof. pagsibigan?

eh d kumuha sya ng mga expert!

Fitness First instructors nagturo samin ng dance workout.. hehehehe!

grabe ung lesson na un, nagsayawan kmi, dahil exercise nga naman. eh d un. sayaw sayaw. with matching "OK! go! now to the left.. to the right.. faster!!!" (at sinabihan pa si jonas ng "nices ass!" hahahaha!! take nite, parehong lalaki mga instructors namin.. go figure.)

at pagkatapos ng exercise, uminit ung rum. dapat inde dahil may aircon.. pero dahil kaka exercise, in-off sya. eeew, init...


------------------------------------------


kanina ung BATHING activity sa Nursing 10 Lab (fundamentantals...)!! hehehe. ayun.. may porn kuno. hahahaha. HAHAHAHA... masaya naman. hehehe. nagshampoo kmi, nagpaligo ng katawan and all. hehehe.


------------------------------------------
sa ym...

dremzki: wiiiiiiiiiiiiiii
dremzki: natutuwa naman ako
dremzki: sa layp
dremzki: kelangan talaga mag super exam...
dremzki: para matuwa sa pleasures in life
dremzki: na natetake for granted.
Coy: tama!!
Coy: ang astig naman nung super exam ntn..


about history 2. 300 ITEMS IN ONE AND A HALF HOURS!!! GRABEEEEEHH!! pero iba ung feeling na matapos ung exam!! sobra! masaya sya! baka dahil sa nag aral ako.. ganun pala yun no, pag nag-aral masaya yung exam.. kung gawin ko kaya un sa ibang subjects?

.......


naaaaaahh..... nyahehehe..

Friday, July 14, 2006

PRACTICALS!!

wiiiiiiii...

masaya yung practicals! taking ng vitals signs, inspection, palpation, percussion, auscultation and all that jazz. asteeeeeeeeeeeeeeegg.. sana lang mataas ung grade ko, pero kahit na, natuwa pa rin ako. hehehe.

sa breast examination ata ako pinaka mababa. haay.. tsaka sa chest, lungs at heart portion. well, at least matino ang pagkuha ko ng bp.. wiii...

fun!

-------------------

para kay coy:

AKIN LANG UNG GIRL SA MCDO!! AKEEEENNN.....!!!! (ung asa jelly trio)

aun lamang po.

Thursday, July 13, 2006

Mcdo

crush ko pa rin ung girl sa mcdo commercial..

..

hoy inde ung asawa ni pacquiao! (dyusko lahat na lang ata ng commercials andun sya..)

ung may coke float tsaka jelly trio. hehehe.

basta un. crush crush.. wii...

Tuesday, July 11, 2006

Welcome Party!

ng freshies. hehehe.

tea party dapat kanina (as in tea ang iinumin) pero naging gulaman party. hahaha.


masaya!! haha!

as always ang MNO (male nursong organization) ay nagpresent ng napakamakapagdamdaming presentation (read: nagwala sa stage)

ui in fairness, less than 4 hours (actually 2 hours nga lang eh.) namiun ginawa ung buong presentation, kaya ok na rin ung kinalabasan. may mga d nagawang stunts, pero that's life. haha.

nang dahil nga sa mno ang napanood ko lang talaga ay ung sa maskara tsaka ung saliwan. ung ibang nac at ung presentation ng freshies d ko na nakita. aawwww... nagprapraktis kasi kami sa labas ng building (read uli as: cramming)

tapos after ng presentation... picture taking na!! hahaha.. la lang, napuno nanaman ung phone ko ng pictures. hehehehehe...

-----------------------------

tas ang saya! nakasabay ko si ate maya, ung pinsan ko, sa jeep. hehehe, la lang, kwentuhan lang about nursing na course. tas nalibre ako sa tricycle. hehehehe..

-----------------------------

may test bukas ng physical exam! nako d pa ako nag aaral.. pero ok lang.. hahaha, kaya yan...

-----------------------------

pano ko kaya gagawin ung 300 item test naman ng histo.. haaaaayy..... next week na un..

-----------------------------

Zzzzz...

Monday, July 10, 2006

Physical Exams

at ngayon, nasa parte na kmi na medyo physical ng nursing.. haha.

ang physical exams! dyuskoo... kung alam nyo lang ang kahihiyan na nadadanas dahil dun..

syempre ang physica exams may inspection part, auscultation, percussion at palpation. ok lang naman lahat eh.. ung sa ,outh part lang. grabe, ipapasok ko lang naman ung kamay ko (na naka gloves) sa bibig ng isang tao... tas i-fifeel ang gums at buccal areas. haruum.. laway everywhere. syempre nung partner ko gumagawa nyan sakin, natatawa ako kung kaya't lalo pa akong naglaway everywhere.. eeew...

pero nakakatuwa ung session namin kanina! all about relaxation at mental health. may dala dala kaming mga banig/beach towel/malong/or anything na pwedeng mahigaan. tas un, un ginawa naming mga upuan/higaan sa loob ng nursing classroom. nag tai chi at qi gong kmi, pati na rin ang pag foot massage, hand massage(ung kamay ni eian, partner ko sa buong session kanina, sobrang parang lobo ng dugo ung kamay. ewan.. ang.. lambot na parang ma edema. pero sabi nya kamay ko rin daw parang ganun. nyahaha.... tas nakakatawa kamay ni eian nga, iisa lang ung linya ng palm nya! at pahorizontal un sa palad nya.. haha. la lang) back massage(in fairness masarap mag back massage si eian. ewan ko lang kung matino massage ko kasi wala akong kaalam alam) tapos ung pakikinig sa relaxing music, beta/alpha/theta/delta waves at kung anu anong exercises na para daw sa pag rerelax at pagrelieve ng negative energy sa katawan.

sobrang masaya ung buong session. haha.

tea party bukas!!! at wala pang iprepresent ung org ko, ung MNO. haaay..... syet. sana lang d kmi magmukhang tanga bukas....


aun na yan. wala na kong masabi. basta gusto ko magpamassage uli! si meia masarap magback massage.. haaaayy.. bat kasi la na sya sa nursinnggg....... haay.

Wednesday, July 05, 2006

Warning!

---Hentai(ngek, maling term)/Erotic porn follows---


Sa room 20X, N10 lab session:

nivAl: buka pa

-__- : !!!

nivAl: sige pa...

-___- : [muffled moans]


kmi nina mike, fatsy at lyngel: O_o !!!!!!

Tuesday, July 04, 2006

Isip isip

may bago akong naisip.

pano kung d ko na lang pansinin kaya?

hmmmmmmmmmmmm...................

option yan ah.. cge un kaya gawin ko.

fwahahaha.

DREMON DAPAT NAG AARAL KA NG N10 AT N4!!!!!!

ANO BAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!

ZZzzzzzzz........

Monday, July 03, 2006

Snob.

syempre sinabihan nanaman ako ng snob. bwahaha, bakit ba lagi na lang... hehe. high school din impression daw ng mga tao sakin.. snob. ngeeeeek..

---------------------------

kanina sa lrt nakakatuwa.. biglang nagpreno ung tren, dahil siguro may tren pa sa sunod na istasyon.

eh lucky me at ang suot kong sapatos d kumakapit sa floor masyado ng lrt. so nagslide ako ng mga 1 meter or more sa kinatatayuan ko (nakatayo ako at nakahawak lamang sa "safety handrails")

tapos nakakatuwa pa ung sinabi ng driver ng lrt:

"kapit po... KAPIT!"

hehehe. fun.

-------------------------------------------

panalo si pacquiao! haha. syempre masaya ung mga ads nya, kasi nga naman nanalo uli sya. kala ko talaga matatalo na si Manny sa laban nya... buti hindi. wii...hehe.

-------------------------------------------

may nagregalo sakin ng Littman na stethoscope! bwahahaha, alam nyo ba kung magkano un sa market? P3000+ lang naman.. sheeeet. haha. regalo ko daw para sana sa birthday ko (november pa) buti na lang nanay ko nasabi nya ng pahapyaw sa kapitbahay namin na kelangan ko na ng steth. tas un. pag uwi ko sa bahay andun na sya. nyahaha.... spygmo na lang...

-------------------------------------------

UAAP nanaman!! WOOOOOOOOOOOOO!! GO U.P.!!!!!!!!!!!!!!!!! gusto manood sa sabado.. pero d naman laban ng U.P. ung opening.... tas mag aaral din ako sa uber hard histo. pero gusto ko.. mixed emotions. hehe. nga pala, pera rin un!!! hhhhhaaaaarrrrruuuuummmmmm........

-------------------------------------------

debut season is again open!! hahaha.. hay. pera uli. pero masaya naman kaya go! ok na ok! hehe. (gusto namin ni monmon mag check in sa manila hotel... hahaha! pero.. peraaaaaaaaaaaa......)

--------------------------------------------

ahem, ahem.

may bago.. pero ayoko. pero iba sya sa dati ah.. ung mga mali nung dati.. pinalitan nya ng tama. waaaaaww.. haha. panakip butas?

noo... noooooooooooooo.... i will not be affected!! nooooooo!!

friends lang. wiii...

so.. step 2, maging mas close. dapat kasi d.. snob. nyahaha. cge, magpropromise ako sa blog ko na kakausapin ko sya. and we will b close like a 10 years closeness. nyahaha. FWAHAHAHAHAHA....

tama naman d ba? tama, tama!!! wooooooo!!!


....

nga pala, i forgot you na. don't know when, don't know how exactly, pero walang walang walang wala ka na sa system ko! kumbaga, nailabas ko na ikaw na malaking tae. hehe. galing. pero at least d na ako talo, pareho na tayong nangalimot.

FWAHAHAHAHAHAHA!!! (kung sino man iniisip nyo, d sya un)

---------------------------------

KELANGAN MAG ARAL NG N10 at N4!!!!!!! WOOOOOOOOOOOOOOOO!! THIS IS IT!!!!

Zzzzz.....

Saturday, July 01, 2006

Quote uli!

"i know that you dont want me but you still have me."

-anali's blog

bwahahaha. BWAHAHAHAHAHAHAHA!! bakit narinig ko na to dati? pero d rin pala nya sineryoso sarili nyang sinabi?

i need to fix this...

Quote.

"someday someone will walk into your life and make you realize why it never worked out with someone else".

-imma's blog

bwahahahaha [wala lang, d ko alam kung pano ako magrereact eh. to na lang. O_o]

Tuesday, June 27, 2006

aaaattt......!!

May bagong akong crush!!

woooooo...!!!

actually dalawa!!!

mwahahaha

ung isa.. tas ung isa.. HAHAHA!!!! WIIII!!!

hehehe.. saya naman.. :P

Monday, June 26, 2006

Blizzaga break!

ARGG!!! nagtypwe na ako ng entry pero dahil naghang ang pc, nabura. sheeet...

masaya naman ang buhay ko ngayon, kahit toxic ung subjects. lahat kasi mahihirap. hay...

ung histo ok pala. hehe. ung teacher astig! maraming alam sa histo(alam nya ang mga exact dates mehn!! lahat ng mga dynasty, ng mga wars, kung kelan namatay mga bayani!! grabe!) marunong mnagsayaw ng pinakamahirap na sayaw sa mundo, ung sa india, kaya magkulintang at other filipino na instuments tas grabe, RIPPED SYA! dahil sa kakasayaw daw... shet. d lang mukha dahil sa mga suot nya... nakakatuwa rin sya magkwento(lalo na ung kay heidee yorac. haha. [see coy's blog for details. nasa links ko] ang toxic lang ata talaga sa kanya ung mga exams.. hay.. 300 item test, here i come..

chem.. ok naman. naiintindihan ko pa.. 20 amino acid structures kakabisaduhin. haaayy..

n10 at n4. over toxic. hazardous ata ang levels na.. haha. pero ok naman at kaya ko pa...

------------------------

may mga buddy na ko! haha. at dahil nagfifeeling ako, dalawa sila! si gwen at arian(tama ba spelling? hehe). naks.. sana lang mabigyan ko sila ng matinong notes. hehe.

------------------------

si janmik! ang aking kamukha daw at long lost bro.. haha. 1st yewar pa lang ang kulit kulit na.. at 15 pa lang sya! 1990 kasi pinanganak.. ngaawwrrkk... nung 15 ako... nasa 3rd year pa lang ata ako nun ah.. hehe.
------------------------

may modem na ko uli!!!! yeaaaahh!!! hehe. la lang. masaya ako. woo!

------------------------

nga pala, tignan nyo ung zoto account ko, msy mga bagong pictures.. haha. la lang...




cge aun na un. sa sunod na uli ako gagawa ng post. hehe.

Sunday, June 18, 2006

Worst.

sobrang napepeste na ko sa sked ko ngayong sem. sobrang ang panget.. tapos sa sobrang malas ko, nakuha ko pa ung prof sa histo na sobra sa weird at super toxic pa. 300 item test ftw. shet.

nakakawalang gana tuloy mag aral. aaarrrggg..... kung lumala pa to (biochem), ewan ko na lang. shet talaga...

Tuesday, June 13, 2006

Pasukan part 2

PESTEEEEEEEEEEHH!!

ang hirap ng 2nd year!!!!!

4 na major, kasama ang 2 nursing subjects. tas 1 medyo parang major, biochem.

dalawang araw na 7 pm uwian. isang araw na 1 pm ang start ng klase.

may clinicals at lab na.

tas ung histo 2 toxic.


AARRRGGG!!!??? kakayanin ko to!!

Monday, June 12, 2006

Pasukan

BUKAS NA PASUKAN!!!


excited ako na nininerbyos.. ahaha. haaayy!!!

may bago kaya akong makitang tao? wahaha.. o puro kablock/kabatch ko nanaman? harruuumm.. parehong may advantages. haha. basta!

2nd year proper na!!! wooo!!

Friday, June 09, 2006

Enrolment

natutuwa ako sa enrolment namin nung monday, kala ko talaga magiging two days nanaman enrolment ko. isang araw para gumawa ng form 5, isa para sa bayaran. the past two enrolments kasi, laging d ako nakakaabot sa pila ng our. nakapila na ko tapos "wala nang magbabayad! last 5 na lang!" holy shet.

kaya nga nung monday, ng nagising ako ng 6 30 (pesteng alarm clock, d ako nagising kahit super lakas na nya) talagang napa "AAAARRRRGGGHHH!!!!!" ako. plano ko kasi 7 pa lang andun na (after kong maranasang makakuha ng number 84.. ng 8 o clock am. summer enrolment madness)

eh pagdating ko number 40 sumting lang pala ako, 8 din ata nun. wiii!! hehe.

nagkaroon ng onting tech issues(ung database daw down. nanaman. bat ba laging down ang database pag enrolment?) pero natapos rin ng mga after lunch. woooo!! ang saya saya matapos ng maaga...


---------------------------------------


nung wednesday pumunta kmi ng diliman ni jonas. anong rason? wala, feel ko lang. sobrang wala kming goal nung araw na un, kaya nga most of the morning na andun kmi, paikot ikot lang kmi sa diliman. trinay namin pumunta sa math building.... at napunta sa katipunan. okaaaaay... asa kabilang side ng earth. buti na lag sa huli nakita rin namin ung math building. hehehe.

maraming xientian frends... syempre si imma ata james, sina en2 at pay, at marami pang iba. si eeejbn ni imma nakita ko rin. hahaha, mukhang hamster..

ang hectic sa diliman... sobrang parang beehive. tunog beehive, mukhang beehive, amoy beehive, init beehive. eeewww. may mga nakapaskil pa na kung anu anong subjects sa kung sa san. parang raffle contest nga eh. haha. ang hirap dun..

at nung araw rin na un nabaliw si jonas. hehehe.. at pati ako d ko lam gagawin. so instincts na lang. anywaaay...

aun. wala na kong masabi eh.

Kwento Kung Pano Kmi Yumaman.

may bata sa bintana, si Joshua, kapitbahay namin. asa labas sila ng katulong nila tska si andrew, nakababatang kapatid nya.


siguro d nya napansin na andito lang ako sa pc ko... wahaha.

Joshua, kinakausap si andrew at katulong nila: "sina kuya dremon kasi may ps1. eh gusto na nyang bumili ng ps2.


kaya yun, si papa binili ps1 nina kuya dremon. mahal ung binayad ni papa para sa ps1.


kaya mayaman sina kuya dremon. ui, satin satin lang un ah...."



............okaaay. mayaman pala kmi. at dahil sa pinangbayad sa ps1. cool.

Wednesday, June 07, 2006

Xmen 3

woooooooooooooooooooooohh!!

after all these years nakanood na ko xmen 3! tas maganda! haha. d naman ganun ka deep ung story pero d rin naman super babaw. ung fight scenes asteeegg!!!! syet. talagang na eexcite ako nung mga fight scenes. ahaha.

pero ayoko ung ginawa nila kay phoenix. si phoenix dun sa series maganda at asteeg na d pa kontrolado ung powers. ung sa movie mukhang lola na nangingitim. yaaak...

basta, isa to sa mga happy days ko. haha. kahit walang nangyari sa diliman. hehehe.


ang ganda ng movie!! recommended ko. haha.

Tuesday, June 06, 2006

Maiba tayo.

grabe, tinignan ko mga past post ko, puro about chem. wahahaha....... ganun na pala ako ka absorbed ng chem. buti naman at naka 2.5 ako dun. chem 14 ko dati 3, pero medyo deserving naman ako nun, d kasi ako nakikinig masyado..

sige, dahil mga tao sa forums iniisip isip acad ako, un muna discuss natin.

math 1 - 1.75. ok grade ko, kala ko nga mas mababa eh. si pa3k siguro lalaitin ako, pero bleh, don't care

pe: walking for fitness - 1.75 (pass). waaaw akala ko talaga mga 2 sumting ako dito, 4 ata o 3 ung d ko napasa na walking activity (out of 16 or 17 activities ata?) tas ung first walking exam ko bagsak. ahaha, cool!! buti na lang, walking na ang pinakamahirap na naranasan kong pe ever, lalo na at araw araw sya nung summer. syet talaga, ang hirap.

chem 31 - 2.5. woooooo, paaaasaaaaddddoooo!! at un lang ang nagmamatter sakin. d gaya nung mga taong naiingit sa 80 grade ko nung final exam ehemjonasehem. hehehehe.

sige mag momonologue muna ako

pasukan na uli! bwisit na crs, d ako naenlist sa histo 2. pero dahil ang college of nursing naman ang nag aalaga samin, sila ung nagpetition na magbukas ng bagong class tas sila na rin kumuh ng names namin at ag enlist. kahit sabihin nyong ang ginhawa namin sa enrolment lang, kung titignan naman ung sked namin kasi, d ka na talaga makakagawa ng matinong sked na talaga. 2 ata majors namin ngayon, mga nursing. tas ung microbio at chem 40 pa. haha, sana maganda ang sem na to.. or makayanan ko sana. wooo...

hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.

ano ba ginawa ko sa 1+ week ko na summer.. um.....

linaro ko uli ung suikoden 1. ngayon, kingdom hearts 2 at suikoden 2 ako. ganyan talaga ako maglaro, after nung isa, ung sunod naman. kaya nga minsan naghahalo ung mga storya eh.. tas nalilito ako. ahaha, tas sabay ko sila matatapos.

maya na nga uli, bored nanman ako...

Sunday, June 04, 2006

Pasukan na!

wiiiiiiiiii!!! pasukan nanaman!

excited na ko! yeeeeeaaaaaaaaahhh!!