nagsimba kmi ngayon dahil nga last day na to ng taon na to...
syempre pagkatapos...
PALENGKE GALORE!!!
wenks.
at ako ang dakilang tagabuhat. wiii..
bili bili, puro prutas na round ek2, ung mga uulamin mamaya.. chuchu.
nakakainis pa kasi ung pinya tumutusok sa pants ko. arg.
tas nung pauwi...
SURPRISE!! la kming susi. akala nung nanay ko daladala ko ung susi ko (may susi kasi ako lagi ng gate namin sa wallet ko) pero dahil inisip ko kaninang umaga na magsisimba lang naman.. ayun. iniwan ko. akala ko naman dala ni mama ung susi nya..
kaya ayun. stuck kmi sa labas. syempre dahil kakatapos ng simba, ung mga kapitbahay namin dumadaan din. syempre ikwekwento na min na naiwan ung susi sa bahay. chuchuchu...
buti na lang ung nagsisiga sa likod ng bahay (na dati minumura ko dahil ung usok pumapasok sa bahay namin) andun. at may dala pala syang hagdan. yeeey, may makakaakyat na at magbubukas ng gate!!
syempre sinong aakyat?
.....
...
......
"WHAAT!? AKO?? ..sige na nga..."
d kasi pwede ung nagsisiga kasi.. adik ung mga aso namin. may aso kmi na halos kasingtaas ng tao pag tinayuan ka. tapos maharot. deadly sa mga taong d kilala sya. na hindi maganda sa situation namin ngayon. dahil kelangan na ako ung mag akyat bakod. hay.
oi anhirap ah... akyat ako sa hagdan na gawa sa kahoy (buti d nasira), upo sa wall namin... tas ililipat ung hagdan sa kabilang side ng bakod. shet. anhirap magbalance at buhatin ung hagdan at the same time.. buti si manong tumulong. pero hanggang akyat lang sya. d sya pwede bumaba kasi death sentence un sa aso namin. na tinatahulan na sya. haha.
ayun, nakababa rin ako sa wakas. anhirap nun ah.. haha. at syempre kinukulit na ako nung aso namin. minsan peste yun.. hehe. pero dahil cute sya, fiinnnee, tolerate. hehehe.
aun lang naman...
maya na ang mga greetings.
sa ngayon nagninilaynilay (nyak) ako sa mga memories na nangyari ngayong taon. aba, andami pala no. mas maaksyon ung year na to kesa ung last. hehe.
wii.. sana masaya rin next year. hindi, dapat MAS masaya! hehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment