Thursday, December 21, 2006

Outing + 12 na baso= bangag

***kung walang time basahin ang buong entry, pakibasa na lang ung mga nakanumber sa may pinakababa. haha.***

outing namin ng 20-21 (kahapon at kanina) sa Laguna! batch outing... na 11 lang kmi. haha. kamusta naman ang batch. out of 70++, 11 lang pumunta.

actually, isa ako sa medyo nagdadalawang isip pumunta... una, dahil walang pupunta na immediate friend (well, meron namang mga friends.. pero.. ay nako, inexplain ko na to kay ken) at baka ma-op ako.

tapos... pera. 700+ ung gastos.. 77 x 2 para sa bus papunta at paalis, 400 sumting sa tinuluyan, tas syempre ung mga kung anu anong pagkain na pinagbibili gaya ng chichiryasa at sa mga restaurant/kainan, sa mga gamit.. gaya ng sabon... dahil d nanaman ako nagdala. wenks.

isa pa... medyo tamad ako. haha, un na un.

kaya nga nung nagpapaalam ako, d ko naman masyado binabalak i-try ipilit.. pero.. TSARAN! pinayagan. grabe, once in a blue moon lang un... so... go go go!! sayang naman ung oppurtunity. haha. tsaka si mark sabi pupunta lang kung pupunta daw ako.. paaayynn. haha. si ken din kinulit ko, nagsasabi pa syang nag iisip pa. buti na lang pumunta. hehe.

ayun. syempre sa cn pa lang bangag na ang mga tao. sa cn kasi nagkita.. tas punta na sa sakayan ng bus.. kung saan nagkaroon ng away sa pila. at natuwa ako sa sinumbat ni jayjay dun sa aleng menopausal na ata:

"Matuto po kasi kayong pumila."

waah, kelangan nyo marinig para ma appreciate nyo. haha. epal naman kasi, nauna naman talaga kmi, kapal ng mukhang sabihing kmi ang masama....

sa bus.. ayun. bangag pa rin. ung ibang mga pasahero tulog... or rather, trying hard matulog sa ingay namin. ang kulit ng mga tao.. picture picture, lablyf, legs/paa ni ate crystal... andaming ginagawa. haha.

pagdating sa... teka, ano ba tawag dun, resort? Bahay sya, may 3 rooms (na dalawa ay aircon), 3 cr (na ung isa asa girl's room), isang kubo, swing, pool table, ever there videoke, malaking table, isang pangbatang swimming pool aka jacuzzing walang bubbles/movement at malaking swimming pool na 4 ft lang ata.. o 4.5 feet? basta, d enough para malunod ako. haha. poor me na d marunong magswimming...

maganda sya, in super duper fairness. 4500 ung bayad eh, pero mukhang dapat 6 000 ++ ung bayad. tas malaki na rin.. o baka dahil 11 lang kmi? pero ung pagkakonti namin medyo maganda rin naman, dahil mas may interaction, hmm.. pero masaya rin siguro kung maraming maraming tao... wenks na 11 yan..

so ligo ligo, picture picture, inom inom (ng beer. adik talaga sina stepya at alvin..). sabi ko pa nung una ayoko uminom, pero ewan, gusto ko rin dahil

1. nakakainom naman talaga ako pero d lang madalas (dahil ayoko talaga ung lasa)

at

2. gusto ko sana malaman limit ko sa isang controlled environment (yak, controlled..pero responsible naman ang iba so ok. hehe.). haha, buti pa sina neng at crystal may paninindigan. si stepya ang inosente pa ng pagtanong: "dremon, inom ka ohh..~~" grabeeeh. haha.

so, unang nalasing... si mark! haha, la lang. 4 na baso ata? ang weird malasing ni mark... "di ako lasing.." tas antahimik nya. buti naman at may mga responsible samin (si ken. haha. at ang mga kontra lasing methods ni alvin.) dahil si mark medyo.. bumata ang pag iisip. kewlness. buti at nawala rin nung gabi na un...

sunod, si kuya dokie. at si jb. kuya dokie kasi tuloy tuloy na 5 na baso ata... lasing moment ay ang tuloy tuloy na pagsasalita, na d maintindihan, tas babalik sa umpisa, repeat ad nauseum. at iisa lang sila ni mark: "di pa ko lasing." anchuva. hehe.

jb.. ayun. asa isang gilid. next.

si kax. haha. sya ung isa sa mga ayaw sana uminom din... pero napilit din. pero actually d sya todo lasing eh... tawa lang talaga ng tawa. hehe

tas si.. uh... si alvin? ewan. natutulog sya sa tubig eh... tas luloblob, na medyo napataranta kmi dahil baka malunod, pero lumalabas din naman sa tubig. so ok.

at ang laaasssstt. ako. bleh. take note na habang nangyayari lahat yan, inom pa rin ako ng inom... tas konting "lasing na ba ako? hmm... testing testing, ang proper way of bathing ng bata ay..."

si stepya naman kasi sabing last na eh... sinabi ko na "last na yan talaga ah!" nung pang 8 na inom na. tas ayun.. dahil nagwowork pa rin ako, tinuloy tuloy ko hanggang 12. shet no. buti nga may habilin ako kay ken na if ever malasing ako icontrol ako.. wehehe.

nung 12th baso na (na tinawag na 12 days of Christmas) sabi ko last na talaga. d pa naman ata lasing.. ata. pero nahihilo na ko. siguro kung nag 13th pa ko, todo todo na. sabi naman nila d pa lasing.. well ako, iniisip ko na medyo malapit na talaga, dahil affected na ung cerebellum ko eh. haha. dyusko ang balance ko..

tapos.. videoke! ako, kax, mark, alvin (na actually d naman kumanta, sa side lang) na puro lasing na ata, at si ate crystal as taga control. well, kaduet ko sa ibang kanta rin sya, kung saan ang sabog naman boses ko. hehe.

teka nga, lasing nga ba ako nun? alam ko ung nangyayari talaga, pero ung balance ko nga tsaka medyo nagblublur na vision ko at nawawala na ung sense of environment. hm. lasing nga ako. pero sabi ni ken d daw. well, kung d totally lasing, malapit na talaga. next.

tapos.. tulog! haha. well, ligo tapos tulog. tas ang walang kwentang effort na ihati ung sabon ni kax. gamit ang hawakan ng stairs. payn, lasing.

pagkagising... kulitin ang mga tao! picture picture uli... harutan sa kama, tas picture uli... tas kain ng mga chichirya. haha, masaya talaga!

nag overstay pa nga kmi, dahil 6 pm pa ung sunod na pupunta dun.... hehe, sori kuya.

teka, mga d ko nasabi:

1. masaya magsenti sa pool. haha. lalo na kung nakasabit ka sa mga tao (i. e. dokie, ken, jayjay) tapos magfifeeling kang super hero.. haha, masaya! marami rin akong narinig.. naactually d rin ako pwede sumali dahil d ko naman totally alam. hehe.

2. masaya mag laro ng frustrated pepsi seven up. nyahaha. si ate crystal naman kasi... an gulo. haha. tapos ung merry go round na masaya.. tas wrestling...

3. nasira ung amber bracelet ni jayjay. at medyo dahil ata sakin un? kinukulit kasi ako ni jayjay, tas parang sumabit ata sa akin, tas nafeel ko na lang na may bagay sa balikat ko, isa nma pala un sa mga stones nya. ui talagang mahalaga kay jayjay ung bracelet na un, kita naman sa expressionnya eh.. so buong asa pool kmi, habang naglalaro o nalalasing, naghahanap kmi nung beads. klahati lang ata nakita.. aww...

4. bangag si alvin paglasing. anlaki ng smile, nakakatakot. si mark, bata, si kax tawa ng tawa, si kuya dokie maingay. d ko alam ung akin. wait. (ym ym) wala daw. dahil d daw naman daw ako lasing. wenks.

5. wag bibili ng dalawang balot ng tinapay, hindi mauubos.

6. pati tubig. 2 gallon lang dapatfor 11. max na un.

7. ....pati chichirya. dyusko, ang laking sayang talaga...

8. adik sa picture si : Dremon, Crystal, Neng, Jayjay, Kax, Mark, Alvin, Ken, Dokie, Stepya. at medyo si JB. in short, lahat kmi.

9. masaya ang Loco Roco sa psp ni kuya dokie. EVEEEERR.

10. ang limit ni Dremon ay mga 13 na baso, with 5-10 minute intervals. wala pang data para sa tuloy tuloy. and i don't intend to. ayoko na malasing...

11. masaya kumain ng binalot. ung binalot sa dahon ng saging na ulam plus kanin. tocino at bistek.. at and legendary itlog na maalat! WAAAH, ANSARAAAP.

12. marami ang may problema sa likod ng mga ngiti (aaaaaaaaawww.. ako rin ba? wala naman ata.. hehe)

13. si jed at jonas ay iisa. OH EHM GEE. tanungin nyo na lang sa susunod kung san ko nakuha yan.

14. si eian ay heartthrob.

15. may nakuha akong info na sana d ko na lang narinig dahil baka mailang na ako sa tao na yon. clue: d tungkol sa lablyf. ask ken.

16. si jaypee ay naaapi kahit sa anong parte ng mundo.

17. si dremon, jb, at dokie ay kaya magkasya sa isang kama. world record.

18. adik pa rin si dremon sa black chocolate. lahat ng may ayaw sa black chocolate, kindly ibigay na lang kay dremon para sumaya sya. no need for waste.

19. ang videoke at beer ay hindi dapat talaga pinagsasama. ever.

20. after nung outing, medyo napaisip ako sa social circles at ung sinabi ko kay ken about that (na related sa outing). sige ken, maaaring mali ako. pero tignan natin...

pahabol!!! 21. ANSAYA NG OUTING EVVEEERR!! sobrang nasulitan ako (syempre medyo isip pera si dremon). d ko talaga akalaing magiging ganun kasaya. haha! siguro dahilcute kmi. wahaha! sa uulitin!! WIII...... ANSAYA TALAGA! behlat sa mga d pumunta. beh. ;p

No comments: