Merry Christmas! haha. aun, lahat ng blog ata laging nag-gri-greet, so gaya ako! haha.
at dahil christmas, labas kmi kanina nina mama. andaming tao sa kalye/jeep/taxi. kaya nga nanay ko nagpasyang magtaxi, which only happens once in a blue moon. matipid..sobra.... hehe.
nanood kmi ng tatlong sine: Zsa Zsa Zaturnnah (tama ba spelling? haha), Mano po 5 tsaka Enteng Kabisote..
Natural, dahil nanood kmi, start na ako manghusga. haha. lam kong dapat nasa reviews section to, pero ano ba, gusto ko rin ung blogspot account ko no...
Zsa Zsa Zaturnnah!!
(BOOOOOMMMM!!) haha!! ang OA nung pagtransform ni ZsaZsa, gaya nung kay Darna na may smoke effect pero sobra, ung buong bahay nila Ada (Rustom) talagang halos sumabog. hehe.
masaya sya! ever. haha. kahit na nawiwirduhan ako kasi si ZsaZsa na medyo matanda na ung gumanap sa title role, carry naman nya. pero may mga scene na obvious na may gulang na sya.. pero ok lang. hehe.
nakakatuwa ung dialogue! haha. kasi nantitira sila ng mga stereotypes ng mga superhero, gaya ng pagsusuot ng costume (at medyo ang weird makita si rustom.. OO, si rustom, na nakacostume. may scene kasi na ganun. si Zsazsa kasi.. katawan lang nagbabago. no costume included. d gaya ni darna, pati damit meron sya pagtransform. haha)
tas may mga gay at women's rights silang pinasok.. at medyo ok naman ang pagpapakita. natutuwa talaga ako kay Joel Lamangan... hehe. cool. ung style na paggamit ng mirrors andun... hehe.
nga pala. Musical sya. na movie. haha! kewl!!
next!
Mano Po 5. Woh ai ni. ay d daw ganyan. Gua ai di. tama ba? haha.
Maganda sya!! haha, well, sakin. d corny ung story.. well, sa umpisa corny. pero tumino naman sa may huli. may mga walang kwentang characters, pero mahalaga sila kasi may ginawa si Nathan (richard) na sumting.. ah basta, maganda.
in fairness medyo namushyhan ako. at take note na d ako madali mamushy. hehe.
kasi ung mga naramdamang emotions nina Charity (Angel Locsin) at Nathan talagang nangyayari sa real life. mga misunderstanding at conflicts.. pero syempre exag. dahil movie.
basta..
Ang ganda talaga ni Angel Locsin!! andaming nyang ganda moments dun... medyo weird nga lang sya umiyak sa ibang scenes, sa galit scenes naman kita ung litid nya. pero.. ewan. believable naman ung acting (para sakin..) so ok. hehe.
last!
ang legendary money making...
Enteng Kabisote! 3! hehe.
grabe, sa lahat ng sine na napuntahan namin, un lang, as in YUN LANG, ang may pila. PILA PARA MAKAPASOK. HINDI PARA SA TICKET. SM North kasi isa lang yung bilihan ng tickets, all cinemas andun na. grabe. tas STANDING ROOM ONLY sya the whole day. grabeeh.. tas ang haba pa nang pila talaga. haaayy...
syempre dahil alam nila na puro bata/pamilyang may bata ang manonood, simple ung story. talagang black and white: may masasama at may mga "kakampi ng liwanag". tas mga moral lessons ek2. masaya ung movie para sa mga bata.. ok namansya para sakin.. pero.. ewan. hehe.
andaming plug nung movie.. sobra. andun ung Ariel (sobra ung sa ariel, talagang isang page ng script ata para lang sa ariel scene), Extreme Magic sing (na medyo jonoke nila si Pacquiao. hehe. :"Ikstrem.. Iktrem, magek sennngg.."), CDO, tsaka Julie's Bakeshop. lam ko may iba pa, pero blah..
grabe rin sa mano po, talagang CDO HAMBURGERS. anlalaki, na close up pa ung apron nung kasamahan ni Angel na may ganun. haha!
tas natutuwa rin ako sa mga kanta.. ung mano po 5 puro Christian Bautista syempre, tas nakakatuwa kasi ung bawat kanta nya parang kinikwento ung nangyayari sa scene na pinatugtog un. astig...
pero nairita rin ako dahil..
na lss ako.
sa Zsazsa.
"aaaaAAAAAHH! BABAE NA AKO! BABAE NA AKO! BABAE NA, BABAE NA, BABAE NA AKO!!"
repeat 20 times, fade.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment