Kahapon exam namin sa CHN.. Community Health Nursing. Think DOH wokers, LGUs, Local Health Units, Barangay health clinics and the like. un inaraal namin.. at pupuntahan eventually.
so.. tsaran! start ng exam, 7 am! per bago nun, ito ako at bili ng bili ng mga pagkain sa 7 11 na halos katapat/malapit sa college namin. bakit? dahil whole day ang exam, no breaks, woo!!!
ung exam ni mam villarta mabilis lang, natapos in 1 and a half hours. ung kay mam maglaya ung pamatay...
nagstar kmi ng 9. ayan, nagbigayan na ng case studies na gagawan ng assessment, gagawa ng diagnosis, mag iisip ng interventions at kung pano i-evaluate. kala nyo ba madali? HINDDEEEEEE...
kalo ko rin madali actually. nung start ng exam kala ko matatapos ko na sya by 1 pm. wishful thinking na pala yun. hanggang 3 sulat pa ko ng sulat, occasionally kumukha sa binaon na pagkain, tas sulat uli!!
mga 5 30++ naako natapos. at d ako umalis sa upuan ko the whole time. ung kamay ko nanginginig, ung sulat ko papangit ng papangit at palaki ng palaki. ung bago kong bili na pilot na ballpen, ayun, naging gray na ang sulat. may malaking parang kalyo na rin ako sa middle finger ko pati mukhang bruise na may pula pula. shet.
pero wala yan sa state ng utak ko. parang sabaw na talaga sya... konti galaw lang sumasakit. may mga times nga (nung after ng exam kasi nag rob kmi para magdetox) na parang masusuka na ko sa feeling na yun. wahaaay...
tuloy tuloy ba namang 9 hours kang sulat ng sulat at isip ng isip. mahirap mag analyze at magisip ng tuloy tuloy tuloy tuloy.. hay. anhirap nung criteria part, shet.
ah basta tapos na.
.....OUTING NA! sana payagan ako. at sipagin ako. haha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment