Saturday, September 16, 2006

Haggard

Sa mga nakakita sakin last week... yup. haggard ako. kaya nga wala rion akong bagong entry eh. kala ko d obvious.. pero kita palang medyo pilit yung ibang smile[amazing no, first time ko magpilit] at ang ikli ng tawa ko. haaaaaaaaaaaaaay.

HAGGARD.

dahil sa nursescissism (na ok ren kasi masaya naman)at ang walang kapantay na community. shet. one day estudyante ka lang... tas kinabukasan biglang expect na full fledged nurses na with all the knowledge.. well mali ko rin yun kasi d ko naisip na talagang dapat todo seryosin yung duty kahit first time.. actually, make that "dapat seryosohin DAHIL FIRST TIME". haay.

process recording.. buong session! type.. to be passed this same day. 16 pages. no breaks. no lunch. sabaw na utak.

the hell.

ang week na na ito'y napaka sad.. at first time ko naisip (swear first time na todo todo naisip ko to) kung tutuloy ko pa nursing... haaaaaaaaaay.

well, d rin sad. masaya yung nursescissism (sori kung mali spelling) pero d ren kasi d kmi nanalo. ng kahit ano. waaah.... medyo sore, pero lam kong maganda yung amin kahit d masyado sabay mga boses namin.. wenks.

ewan ko na kung anu nang mangyayari.. hmm...

aral pa. tsaka type. wenks.

Saturday, September 09, 2006

walang title

ano ba, sabi ko d ako maaapektuhan TODAY eh...


i will not fogive. i will not forget.

Tuesday, September 05, 2006

trivia uli

yung skin na to (para sa blogger lookers) ewan. weird sya. haha. kita nyo ung "FREEDOM to speech".. d ko talaga napansin. ung nasa taas ng browser pamilyar, Freedom of speech. eto, Freedom to speech.. ang bigsabihin.. give freedom to speech? kasi isa sana na medyo maganda pakinggan freedom to speak. ay ewan. problema nung gumawa ng skin na to... at tiatamad ako mag photoshop/paint para ibahin. basta, kayo na mag isip ng meaning ng phrase.

------

may nabasa akong stat.

"why don't you just drop dead."

hangkorni naman. ayaw ko ng phrase na yan. knwari, kung kay [cesored] ko gagamitin ung line, ganito:

"i want you to hurt, to suffer, then curl up and die."

ahihihihihihi......

------

kanina ang init ngayon sobrang lamig at umuulan pa sa labas. ang gulo ng weather naman. humid pa kung kelan mainit, magpapawis ka talaga (mas tama: d matutuyo ung pawis kaya uncomfortable)

may lightning effects pa.. hm.. tulog na nga.....

for the sake of posting..

ayan antagal ko nag walang post.

dahil yan sa magulong buhay ko. una dahil sa mga test (ang mga pamatay na para at micro) tapos dahil wala akong internet connection. waaaaarrgghh..

nagrereformat kasi ako ng pc. aun.. antagal ng proseso ng pag copy paste using 128 mb na usb lang ah. haha. eh ung pc ilang gigs. epal. hehe.

tapos problema pa, nawawala ung mga installer ng monitor at mga eklat. waaaah. sana d natapon nung nag general cleaning. putek..

--------------------------------------------

dumating na tatay koooooo...

bwahaha. syempre dahil dun, magiging mataas na naman electric bill namin (dahil laging aircon) tas ang kalat ng bahay.. mga boxes ng kung anu ano (mga appliances na hanggang ngayon i doubt kung gagamitin namin... haha. ung vacuum cleaner siguro sa carpet. wenks.) tapos syempre chocolate galore sa bahay.. kaya sabi nga ni ate jill, lalo akong tumataba. nooo..

---------------------------------------------

duty na next week!!

excited ako pero d ren. haha.

nursescissism din next week!! haha. sana maging matino ung presentation.

---------------------------------------------

ano pa ba? andami dami kong gusto isulat dati, pero pag magsusulat ako laging ang hirap kumonek sa net. hay. bayaan na nga lang. it's your loss.. nyak, joke. para sa buong detalye ng mga storya ng kung anu ano (gaya ng mga naiipit sa lrt, tumitirik na tricycle and the likes), tabihan nyo na lang ako. makekwento't makekwento ko rin un. haha.

ayan, tulog na muna ako. para aral naman histo. yeaaaahh...

Wednesday, August 30, 2006

Ang Pato na Fish

peste.. bukas na patho!! haaay. sana lang ung mga inaral ko ay magamit ko bukas. 10 pts. lang ang diagrams.. so sana masagutan ko naman kahit mga 5 o 8. hehe. wenks, ang gc...



birthday ni eian ngayon! haha. at dahil wala akong regalo sinendan ko na lang sya ng picture:






hehe. actually madali lang yan(wag nyo sabihin kay eian. haha) ginawa ko lang yan in 10 minutes kanina sa CN library. nag aaral kasi ako ng patho(arrgg) tas after 2 or 3 hours, tinamad na ko. soooo... gupit gupit sa Libre, ilagay sa micro workbook at TA DAA! may "birthday multimedia card" na ako. hahaha.. (buti na lang may pinoy idol na article.. hahaha!)





kanina, may micro lab.. buti na lang ung na assign sa akin na bacteria madali makita sa microscope. ung staining lang ung peste.. kumapit na nga sa balat ko, weird pa ung pagkaka stain ng bacteria. may dalawang gram negative(pink) pero.. may isang positive(violet) sheeet. eh d sabi ko negative, dalawa ung ganun ko eh. sana tama..

picture ng E. coli, isang gram negative na bacteria (yak.. wala kasing ma post. haha)kinuhanan using my phone.. syempre andami pang ibang pics, pero to na lang, para masaya. haha:




isa pang picture! nung histo, nagsuot si coy kimono. picture!! :



lam nyo ba, 3 million yen daw ung obi nyan (ung parang belt) na roughly mga 1.5 million pesos un. tas ung kimono, 250,000 ata. san ka paaa... haha. mahal no.. pero maganda sya. sabi nga ni sir, kung lalabhan un, dapat ipadala pa sa japan.. kasi sa japan lang meron marunong maglaba nun (ang gagawin kasi, aalisin ung mga seams tas saka ilalaba.. na walang tubig. basta, ang complicated.. asa ka pang meron sa pinas nun..)

last pic! sa mga taong gusto makita ang "nagpagupit na jantoi" pic (na medyo rare.. kasi ayaw magpapicture ni jantoi. nyahaha) ito o, with jed. hehe. (amazing how hair can change a person. hahaha! d ko sya nakilala agad, kahit na nung kisay ganyan naman hair nya..):




ay nako, tama na nga.. aral na!!!! wiii! this is fun! this is fun!



arrg.

Saturday, August 26, 2006

pag aaral

hay.. stop muna sa pag aaral. feeling ko kasi isang malaking goo na ang utak ko.. masakit na sya ah.. at parang saturated na (which ius bad kasi wala a ako sa kalahati ng 250+ pages ng pathophysio. haaaayy..)

-----

nakakawala na ko ng over all total of 1000+ pesos.. this past month lang. shet. kung nag iisip kasi ang certain someone.. haaaay. nakakairita tuloy at kakadepress(depressed na dremon ay such a rare thing)

-----

magcrocross post na ko.. haha, ayan masaya na si eian. hehe.

-----

nasa pasaya ako ngayon.. no entertainment watsoever kundi ang pc ko. sheeet. sheeet. pero kelangan to, para makapag aral ng mayos.

...

ARRRRRRRRRRRRRRRRRGGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!! (ansakit na talaga ng ulo ko)

-----

may kekwento ako pero d ako makatype ng maayos.. haha. pesteng pag aaral.. wakeke. aral aral..

Thursday, August 24, 2006

to die the nth time around

haaaaaay. toxic. hazardous to one's health.

next week ay puro exam.. biochem tapos ang kinatatakutan na..

dun dun dun....

PATHOPHYSIOLOGY.

also known as pato, pato-fish, pot-o-fish, pat-o-peace.

pwede rin ung sa root word nya. suffering.

sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeett.


hay.

basta.. sana magwork tong study plan ko..

---------------------------------------------------------


hm..... hm.. lam ko my ikekwento sana ako.. pero nakalimutan ko. hm.


---------------------------------------------------------

nag ayos ako ng ym last week. nag ayos ng contacts. nag bura ng mga pangalang d naman talaga wina-ym (filler lang), mga taong AYAW ko naman talaga i-ym (hindi na kaibigan, pwede ren d naman talaga naging kaibigan), at kung anu pa.

nag ayos ako ng contact details, inayos ko na pare-pareho ung format ng mga pangalan (all first and last names [if present] capital, kesa lang sa mga special cases na may dagdag na nickname o talagang nickname lang andun. hehe.)



tapos gumawa na ko ng mga bagong groupings.




dati kasi, "Friends!" at "Mga Kakilala" lang ung grouping ng ym ko. actually mas gusto ko yan, kasi hati na agad yan, ung mga talagang kaibigan sa taas ng ym, tas ung lower half uro mga kung sino sino na. eh ang problema, pagka nagsesend ako ng grup message, laging masyadong marami akong nasesendan. nasesend sa d naman dapat masendan.



so yan may 5 categories na ang ym ko. as seen on my ym window:


Kaibigan!: Mga taong usually gusto ko talaga kausapin, or ung mga talagang friends ko, na kahit madalang lang sila magpakita ay masaya ako at nakakaym ko. hehe.


Kapamilya: Syempre dapat may space ung mga pinsan ko. dati nasa friends category sila.. pero medyo same level lang naman to dun sa una. haha.


Mga kakilala: eto. pwede rin isipin as etcetera. dito ung mga taong in-add lang ak sa ym pero d ko naman talaga close o friend talaga... harum. basta get's nyo na to.



QueSci: ung mga taga quesci (na nasa "kaibigan!" at nasa "mga kakilala") andito ren.. pwede naman un sa ym, multiple grouping. haha.


U.P. College of Nursing: ung mga taga upcn. hehe. aun, same as QueSci.


wenks, bat ko ba ine explain dito? haha... otiness.


----------------------------------------------------------

KAYA KO TO!! mag aaral ako.. wooooo!!!!

.....


Zzzz..

Tuesday, August 22, 2006

pupu

okaaaaaaayy.. so kakatapos nanaman ng isang milestone sa buhay student nurse.

two words. fecal examination.

gawin nating three words.

self fecal examination.

OH EHM GEEEEE.

dati teacher. pwede ring chambermaid. pwede rin namang nutritionist. at lawyer. at dentist. at dance instructor.

ngayon kami ay mga medtech/public health people. grabe ang nursing haaa... pero sabi nga ni ma'm acop, doktor at nurse lang naman talaga ang unang mga health professions tas nagcombine combine at nagbranch off na ung mga iba pang co-health workers. haha, oti.

anyway, ayoko naman ibulgar dito kung pano ko nakuha ung pupu sample ko ano.. wala lang. ang morbid (pero feeling ko sa ibang blog merong mga step by step. siguro kay jonas. hahaha! tignan ko ung kanya mamaya)

basta, suffice it to say na napaka disaster sya, or baka saking paningin (at pang amoy) lang un. yaaaaakk hinawakan ko pa sya... using tissue naman, pero kahit naaa... eeeeww!!!! d dapat kasi tumama sa toilet water (dahil ung chlorine sa water mapapatay ung possible protozoans na gusto mo sana mapag aralan) at malagyan ng ihi dahil ung urine nakakapatay ren. chuva. haaay. haaaaaaaaaaaaayy. pupu sa paper. wii... (kaysa naman ung kay jonas no.. *scrape scrape*. si eian naman.... *BLOP*)

hihihihi...

ahem. masaya ung lecture at chuchu. ung lab medyo boring dahil.. boring. ung part lang na pag prepare ng fecal smear sample ung nakakatuwa. may part pa nga dun na sabi ng prof:

"gas accumulates in the container of the fecal sample after a while. so when you open it, point it away from you and towards the windows (asa 3rd o 4th floor kmi). baka mamaya sa inyo pa sumabog yan.."

wiii...!!

start na ng mga duty bukas!

pero dahil grup g ako, september 11 pa kmi start. nyeeek. cornyyy... finals na nun.. or ung mga last exams na.. haaay sana talaga makayanan ko to.

..

gusto ko na matulog....

(MAY DIRGE OF CERBERUS NA!!!! pero corny daw. ay ewan, bibilhin ko pa rin sya. para masaya. wiii...)

Monday, August 21, 2006

skin..

ok na ba to? bigyan ko to ng 1 week.. wii.. hehe

Sunday, August 20, 2006

new skin?

mga tao... sa tingin nyo ba dapat na ako magbago ng skin?

wala lang... ang weird kasi lagi ng entries ko dito, laging nasa gitna. tas pag may pics nagiging weird din. hehe.

tingin ako bago. wii..

Saturday, August 19, 2006

Dremon Trivia

naalala ko lang dahil nabrought up ni eian sa blog nya..

nagigising ako automatically ng on or before 9 am, whether natulog ako ng 10 pm or ng 2 am.

ewan ko ba. basta, ayaw ng katawan ko matulog ako ng sobra..

pag natutulog nga ako ng lampas 7 hours, nagkaka eyebags ako. hahaha! weird no? totoo yan, ano naman makukuha ko sa pagsisinungaling tungkol sa eyebags? ;P

nung dating sinabihan ako na nagpuyat daw ba ako (dahil may eyebags ako)
d ko nasabi na

"..uh. no. natulog nga ako ng 9 hours kagabi eh.."


hehe. un lang.

Nurses in Uniform
















ako, in uniform (si jonas yang katabi ko oh..)















block pic.. hehe.

Pics nung debut ni kat (syempre sobrang late na)





















ako na haciendero
















girls














Group pic















family pic, welcoming room ng manila hotel.

kamusta naman ako?

ewan ko kung kamusta na ako... ahaha.

hm.

maraming bagong nakikilala (mga taga ibang block nung 1st year.. kilala dati pero ngayon lang nagiging close. hehe)

maraming ring nakakalimutan (i don't feel the pangs of the past anymore.. charot. Translation: wala na akong namimiss. sa high school.)

tapos... eto, bored. walang malarong bago eh...

tapos narerealize ko na, na kelangan ko talaga mag aral para mabuhay... at kahit pano, mahal ko ung mga libro, d ko lang talaga binabasa. haha.

gusto ko pa rin nursing.. even moreso ngayon. d gaya nng iba sa mga kklase ko na bumabalik ung "pangs of doubt" dahil nga magcocommunity kmi, i for one am excited.. ahaha. sana lang mahalin din ako ng mga subjects ko. at sa mga taong nagda-doubt... hindi ko sasabihing "sayang" ung slot nyo. dahil kung ayaw nyo talaga, bakit nyo pa iisipin ung slot slot na yan.. better make up your mind hangga't medyo maaga pa (masaya nga ako kay meia dahil maaga pa lang alam na nya.. mas maganda syempre un, dahil magiging masaya sya d ba. hehe. pero syempre, i miss her pa ren dahil friend na sya.)

ano pa ba??

hum.. huum....

wala na eh. haha. post ako siguro ng pics mamaya. wii...

a touching story...

A certain rich businessman had a beautiful daughter, who fell in lovewith a guy who was a cleaner, when the girl's father came to know abouttheir love, he did not like it at all, and so began to protest about it.

Now it happened that the two lovers decided to leave their homes for ahappy future. The girl's father started searching for the two lovers but could not find them.

At last, he accepted their love and asked them to come back home in alocal newspaper. Her father said "If you both come back I will allow you to marry the guy you love, I accept that you loved each other truly."
So in this way, their love won and they returned home. The couple wentto town to shop for the wedding dress. He was dressed in white shirtthat day. While he was crossing the road to the other side to get somedrinks for his wife, a car came and hit him and h e died on the spot.The girl lost her senses. It was only after sometimes that she recoveredfrom her shock. The funeral and cremation was the very next day because he had died horribly.

Two nights later, the girl's mother had a dream in which she saw an oldlady. The old lady asked her mother to wash the blood stains of the guyfrom her daughter's dress as soon as possible. But her mother ignoredthe dream. The next night her father had the same dream, he also ignored it.

Then when the girl had the same dream the next night, she woke up infear and told her mother about the dream. Her mother asked her to washthe clothes which have blood stains immediately.
She washed the stains but some remained. Next night she again had thesame dream she again washed the stains but some still remained . Next night she again had the same dream and this time the old lady gave her a last warning to wash the blood stain, or else something terrible will happen.

This time the girl tried her best to wash the stains, and the clothesnearly tore, but some stains still remained. She was very tired. In the late evening the same day while she was alone at home, someone knocked the door. When she opened the door she saw the same old lady of her dream standing at her door. She got very scared andfainted. The old lady woke her up... and gave her a blue object, which shocked the girl. She asked "What is this...?" The old lady replied... "Try Surf Washing powder with Babad crystals ... just a dab and it will remove all stubborn stains!!!".


I know how you all are feeling now... I have been through this too.But don't look at me like that. I'm also hunting for the idiot whomailed this to me! have a nice day! (galing email. hehe)

Wednesday, August 16, 2006


pic ni anna sa ym.

syempre kung ako ung nasa pic, kung sobrang mushy ung moment matataranta ako (dahil d ko alam ang tamang gagawin) at baka matapon ko pabalik ung heart.

kung sobrang mushy kasi.. uurr

sana may taong kayang maging mushy na d corny para sakin... para matupad ung pic. haha. oti mode.

Monday, August 14, 2006

debut (super rich version)

ang sumusunod na entry ay kinopya ko lang sa blog ni coy, dahil ganun din naman ung mga gusto ko sabihin, at sobrang tamad na ko magtype dahil sa antok (ewan at ganito epekto sakin ng mga debut, 3 days recovering time) babaguhin ko na lang konti pero ung framework no coy gagamitin ko. wii...


Debut ni Kat nung sabado!!! Grabe, ang saya nung debut niya...(SUPER RICHH!!!) unang beses ko kasi makita nakabihis ng todo yung mga kaklase ko sa nursing... Astig, ang gaganda't ang guguwapo ng mga nilalang (WITH EMPHASIS SA ANG GAGANDA! akalain mong may beyonce kmi sa batch. meron pang dona at mga artista. cool!!). Ang saya saya saya saya talagaaaaaaaaa....

Ginanap yun sa Centennial Hall ng Manila Hotel(oh d ba, place pa lang.. wakeke) wii ang ganda ganda talaga dun. pero ung mga inumin na nabibili sa lobby (na may uber chandeliers at live music/piano).. GRABE!!! 125 pesos ang TADADAN! MINERAL WATER! 125 din ang coffee at beer. grabe ha.. grabe. sabi nga ni jayjay "kaya walang pumupuntang dayuhan sa pilipinas eh. ang mahal ng tubig.."

Six o'clock yung nakalagay sa invitation pero 7 na kami dumating. sumabay ako kina mike at adel, na sobrang vain din. hehe.kaya antagal namin magbihis. buti a lang pagdating namin d pa nagstastart.. hehe. pero andami nang andun..

Ang ganda nung venue... parang garden(fairy tale nga eh, un ata ung theme), at meron pang kumikinang-kinang na stars. At ciempre, ang ganda ni Kat... mukha ciang prinsesa... tas lumabas sya sa ..tadan! isang story book. dambuhalang story book. hehe. engrande kaya.. may mga tela tela pa sa ceiling.. tas mga spotlights at iba't ibang ilaw. wii..

at nasabi ko na bang maraming pagkain? SHEEET! FOOD HEAVEN DUN!! lahat ng ulam may mga pangalan pa sa baba (ung iba sobrang complicated ng names) tas andami! may mga cordon bleu, mga roast beef, salads(oo, SALADS. may 5 klase ata o 7 na salads and andun!!), hams, chicken na parang ham ang slice, pasta, salmon, lapu lapu.. sheeeeett.. at maniwala kayo o sa hindi, first plato ko pa lang (na napuno ko ng todo dahil gusto ko itry sana lahat) nabusog na ko at d ko pa naubos. SAN KA PAAA??

Lahat ng desserts na meron dun, tinikman ko! Ay hindi lang pala tikim... inubos ko pala lahat ng servings na kinuha ko. (pwera na lang yung weird na green na cream tas may cherry syrup at whipped cream. ang weird ng lasa eh.. hehe) may blackforest (oo, nasa buffet table ang black forest na cake), may mocha cake, mango crepes (ANSARAP NITO!!), may parang fruit cake, mga fresh fruits (pili ka: papaya, melon, watermelon, orange, pears, pineapple.. tas ay nakasulat sa baba: fruits, all in season. SAN KA PAAA.. ang sarap ah)

Hehe ang saya saya. At matapos ang ceremonies, sayawan na. Todo sayawan na. WII!!

Kami yung nanguna sa dance floor... at kami rin yung huling umalis (yata). Akalain mo yun? nakipagsayaw pa kmi sa mga san beda frends ni kat, pati rin sa mga upmanila pang iba na d namin kilala pati mga relatives ni kat. hehe. ansaya saya.

Ang bibo kasi ng mga tao (including me), at game na game lahat kaya sobrang enjoy talaga yung sayawan. Si Jill nga parang hindi nakatakong kung humataw! (at hinubad nya lang nung mga hulihan na! hehe! GRABE SAYAW NI JILL! bibbo kid! haha) Ang galing naman kasi talaga niyang sumayaw.

ayun.. tas uwian na. shet, sa bahay ni mike, sobrang bata si adel. haha! akalain mong nagtantrums nung inaayawan namin sya ni mike? hehe. bata talaga. haha.

---------------

nung linngo, shop galore ako. dahil wala pa kong susuotin sa monday, ung kanina, na uniform ek2. so bili ako ng 2 black pants, 3 black socks, 3 undershirt, 6 na panyo at kung ano ano pa. dumaan din ako sa sastre ko, kung saan nawala pa ako (nanaman) at bumili ng 13 1/2 yard na tela para sa uniform ko. haha. tas yun.. umuwi at nagpagupit. wi..

-------

SI JANTOI NAGPAGUPIT NA!! ISA TONG SUPER DUPER EVENT!!!! wiii..

at syempre ayaw magpapicture ni jantoi. awww..

----------

kanina ung orientation! hehe. tas naka uniform kmi. ayun.. masaya naman dahil 1st time magsuot ng uniform na community. hehe. iba ang feeling sa hs uniform.. basta. haha.

epal ung security sa lrt, ang haba haba haba haba ng pila! kasi naman, chinecheck lahat ng laman ng bag. ung mga blade ng cutter, inaalis at linalagay sa isang sulok, mga gunting bye bye, mga weird looking gadgets (siguro mga eng students un) talaga todo kalikot, tas pati ung pabango, isespray sa rails tas aamuyin kung toxic o hinde! shet. pano nga naman uunlad ung pila ko d ba. hay..

dun sa mismong orientation naman, pinagalitan kmi sa mga bagay na d naman namin ginawa. ung mga nagawa higher years dati, parang sinasabi at iniimply na gagawin uli namin. ANO BA SILA PAGALITAN NYO WAG KMIIII!!

haaaaay.

...

ah basta. tulog na muna. zzz...

Sunday, August 13, 2006

-isang baso ng wine na pang-tapon sa mukha plis.-

[i hate you. so much. no explanation can make up for it. wala kang karapatan sabihin yan. ano ako, isang hamak na passer-by? wallflower? ]


[i hate you. so much. no explanation can make up for it. ngayon ko lang narealize that there is no trust between us. none at all.]

kung kaya't buburahin na kita. sa lahat. bye na.

[kaibigan ba turing sayo? walang ginagawa, walang sinasabi, d nagpaparamdam. yup, ur not.]

nga pala!!!

ngayon ko narealize...

WALAH NAAAAAAAAAHH...

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. ganun na lang ba yun????


hay. i hate what you don't do. hehe. hay.

HAAAAAAAAY.

d na friend.. ganun ba un?

nothing at all..

envy? ako? siguro?

pero may basis kasi eh... sabi nga sa mental pamphlet(see nursing 10), you are not responsible for what you feel because you CANNOT control your emotions. What YOU CAN control is how you handle your emotions. how you act because of your emotions...

AY EWAN. ang bottom line is:

d na kita friend. at sana d nga tayong naging magkaibigan, sana d kita kinulit at kinausap.

kung sino man iniisip nyo, d sya un. hay.


basta ang vow ko.. wala. i will not do anything. un din naman ginagawa mo eh...

siguro ganun makalimot ng kaibigan. hmmm...

Edit: ABA BAGONG NEWS!!!

ganun pala un, sikre sikreto na.. hay. paaayn.

wiiiiiiiiiiiiii

debut!!

HAHA. ANSAYA!!!


andaming fooD! lahat na ata andun...

tas masaya dahil may sayaw sayaw!!! wiiiiiiiiiii... lahat ng stress from pag aaral nawawala!! haha.

sa monday nga pala, community namin... first time na mag u-uniform. hehe, excited na ko.

haay.. 1 30 na. dapat matulog. bibili pa ko ng black slacks, black socks, white tshirts, pupunta sa sastre at kung anu ano pa. wii... sana magising ako ng maaga. hehe.

nyt!!